INGREDIENTS
- ½ kilo Longganisang Bawang
- ½ baso ng Mantika
- 1 baso ng Tubig
- ¼ baso ng Suka
- 3 pirasong Bawang
- 2 pirasong Siling Labuyo
- Asin
INSTRUCTIONS
- Hugasan ng mabuti ang longganisa. Ibabad sa tubig kung galing sa freezer.
- Balatan at dikdikin ang bawang.
- Hiwain ng maliliit ang siling labuyo.
Ang pagluluto ng Longganisang Bawang:
- Sa isang kawali, ilagay ang longganisa at tubig. Pakuluin hanggang matuyo ang tubig.
- Kapag malapit nang matuyo ang tubig ibuhos ang mantika. (Mag-ingat sa tilansik, siguraduhin na may takip ang kawali).
- Hayaang mapirito ang longganisa hanggang maging kulay dark-brown tapos hanguin.
- Para sa sawsawan, ilagay ang suka sa isang mangkok at ihalo ang bawang, siling labuyo, at kaunting asin.
Credits to: pulutanrecipes.com/recipes/longganisang-bawang-ng-bulacan