INGREDIENTS
- 1 Bangus
- 1 Sibuyas
- 3 pirasong Bawang
- 2 pirasong Kamote
- 2 pirasong Dahon ng Sibuyas
- 1 bungkos ng Pechay
- ¼ na baso ng Luya
- 1 kutsarang Patis
- ½ kutsarang Pamintang buo
- 1 kutsarang Asin
- Betsin (optional)
- 2-3 baso ng Tubig
- Mantika
INSTRUCTIONS
- Hiwain ang Bangus at hugasan ng mabuti.
- Balatan at hiwain ng maliliit ang sibuyas, bawang, luya, at dahon ng sibuyas.
- Balatan at hatiin sa dalawa ang kamote.
- Hugasan at linisin ng mabuti ang pechay at tanggalin ang dulo.
Ang pagluluto ng pesang bangus:
- Sa isang kaldero, painitin ang 2 kutsarang mantika.
- Gisahin ang bawang, sibuyas, at luya.
- Ilagay ang paminta at patis tapos haluin.
- Ilagay ang tubig at kamote tapos pakuluin ang sabaw.
- Kapag kumukulo na, ilagay ang bangus at hinaan ang apoy. Hayaang kumulo ng 10 minuto.
- Timplahan ng asin at kaunting betsin(optional).
- Ilagay ang pechay at dahon ng sibuyas hayaan pang kumulo ng 3 minuto.
Luto na ang Pesang Bangus! - Pwede rin kayong gumamit ng iba’t ibang klase ng isda bukod sa bangus. At pwede rin ang mga tira-tirang piritong bangus, tilapia, at iba pa. Yung iba pinipirito muna ang isda bago lagyan ng sabaw.
Credits to: pulutanrecipes.com/recipes/pesang-bangus-na-may-kamote