Mga sangkap ng ginisang bagoong
- 2 baso ng Bagoong Alamang
- 1 pirasong Sibuyas
- 5 pirasong Bawang
- ½ baso ng asukal na pula
- ½ baso ng suka
- 2 kutsarang Mantika
- 3 pirasong siling labuyo (optional)
Mga paghahanda
- Balatan at hiwain ng maliliit ang sibuyas at bawang.
- Hiwain ng maliliit ang siling labuyo. (optional)
- Ang pagluluto ng ginisang bagoong:
- Sa isang kawali painitin ang mantika.
- Igisa ang bawang at isunod ang sibuyas at siling labuyo.
- Ilagay ang bagoong alamang, haluin at hayaang maluto sa loob ng 2-3 minuto.
- Ilagay ang suka at hayaang kumulo at maluto sa loob ng 3-5 minuto. *important (Pag nailagay na ang suka, huwag hahaluin o tatakpan ang kawali dahil mahihilaw ang suka.)
- Ilagay ang asukal na pula, haluin ng madalas at hayaang maluto sa loob ng 15-29 minuto.
- Hayaang lumamig at pwede nang ilagay sa isang lalagyan at itago sa refrigerator.
- Pwede na rin kainin!
Credits to: pulutanrecipes.com