MGA SANGKAP
- 1 pc. Large Ampalaya (alisin ang buto at hiwain at ayon sa nais na kapal)
- 250 grams Tokwa (cut into cubes)
- 3 Eggs beaten
- 1/4 cup Mama Sita’s Oyster Sauce
- 5 cloves Minced garlic
- 1 large White Onion sliced
- 2 pcs tomatoes, sliced
- salt and pepper to taste
- Patis (pampasarap)
- cooking for frying
Tips: ibabad sa tubig na may asin ang ampalaya para mabawasan ang pait. Hugasan. Pigain at idrain bago isahog sa niluluto.
PARAAN NG PAGLUTO
- Sa isang non-stick na kawali, i-prito ang tokwa hanggang sa maging golden brown. Hanguin sa isang lalagyan.
- Lagyan muli ng mga 2 kutsarang mantika ang kawali.
- Igisa ang bawang at sibuyas at kamatis.
- Ilagay ang ampalaya. Timplahan ng konting asin at paminta. lagyan ng mga 1/2 tasang tubig. Takpan at hayaang maluto ang ampalaya. Huwag i-overcooked.
- Kung malapit ng maluto ang amplaya, ilagay ang oyster sauce, nilutong tokwa. Haluin hanggang sa ma-coat ng sauce ang lahat ng sangkap. Ibuhos ang binating itlog. Hayaan ng ilang segundo at saka haluin maigi para maging strips ang nalutong itlog.
- Timplahan ng patis. Tikman at i-adjust ang lasa.
Ready to serve na. Enjoy!
Credits to: mgalutonidennis.blogspot.com; ctto