MGA SANGKAP
- 2-3 tasa Saging na Saba (Green), hiwain ng maliliit at pakudrado
- 1 maliit na sibuyas, tinadtad
- 5 butil ng bawang, tinadtad
- Mantika (or mantika ng baboy left over)
- 1 ¼ cup dugo ng baboy
- 1 cup suka
- 1 siling haba
- 1 tbsp sugar
INSTRUCTIONS
- Balatan at hiwain ang mga saging na saba ng pakudrado (cubes)
- Igisa ang saging sa sibuyas at bawang gamit ang mantika or tirang mantika ng baboy.
- Ibuhos ang dugo ng baboy at pakuluin ng 10 minuto.
- Idagdag ang suka at pakuluin ng karagdagang 15 minutos.
- Itimpla ang 1 kutsarang sugar at idagdag ang siling haba. Timplahan ng asin at paminta. Patayin ang apoy.
- Pwede ng ihain.
Credits to: foodrecap.net