Blushing Pink Fresh Lumpia Recipe

1875
Photo Credits: m.facebook.com/Unang.Hirit

INGREDIENTS

Para sa filling:

  • mantika
  • sibuyas
  • bawang
  • giniling (optional)
  • dilaw o orange kamote
  • singkamas
  • carrots
  • baguio beans
  • repolyo
  • tokwa
  • pork or shrimp cube
  • vegetable stock (pinaglagaan ng kamote, singkamas, carrots)
  • peanut butter
  • toyo  o oyster sauce
  • brown sugar
  • paminta
  • wansoy or kinchay leaves
  • lettuce

Para sa pink wrapper:

  • red liquid food color
  • harina
  • itlog
  • tubig o fresh milk
  • asin
  • vegetable oil

Para sa peanut sauce:

  • brown sugar
  • tubig
  • oyster sauce
  • pork or shrimp cube
  • bawang
  • cornstarch
  • sesame oil
  • mani

PARAAN NG PAGLUTO

  1. Unahing iluto ang filling. Igisa ang giniling hanggang sa mag-brown.
  2. Idagdag ang sibuyas at bawang. Gisahin ng isang minuto o hanggang sa umamoy.
  3. Ibuhos ang stock, peanut butter, kamote, singkamas, baguio beans, carrots, repolyo at tokwa. Lutuin ng 3 minuto.
  4. Timplahan ng oyster sauce, asukal at paminta. Lutuin ng 2 minuto. Tikman at i-adjust ang seasoning.
  5. Patayin ang apoy. Idagdag ang kinchay o wansoy. Haluin at hayaang lumamig.
  6. Gawin ang pink wrapper. Umpisahan sa paghalo ng itlog, gatas o tubig, asin, flour at mantika. Haluin ng maigi.
  7. Gamit ang isa pang kawali, painitan (low to medium heat).
  8. Lagyan ng ½ cup of lumpia batter ang kawali. I-flip para maipantay.
  9. Lutuin ng 2 minuto o hanggang sa matuyo ang itaas.
  10. Tanggalin ang lutong pink wrapper.
  11. Ilagay ang wrapper sa isang plato. Itabi.
  12. Gawin ang peanut sauce. Gamit ang maliit na kawali, magpakulo ng tubig. Idagdag ang bawang, pork o shrimp cube, brown sugar, oyster sauce at paminta.
  13. Lutuin ng dalawang (2) minuto.
  14. Idagdag ang diluted cornstarch. Hinaan ang apoy.
  15. Lutuin hanggang sa maging malapot at makintab ang sauce.
  16. Patayin ang apoy. Idagdag ang sesame oil at dinurog na mani.
  17. I-assemble ang pink lumpia.
  18. Ilatag ang wrapper sa flat surface.
  19. Lagyan ng isa o dalawang lettuce saka dagdagan ng vegetable filling saka tupiin.
  20. Lagyan ng sauce. Gumamit ng dinurog na mani at sariwang spring onions para sa garnish.

Credits to: m.facebook.com/Unang.Hirit