Ampalaya con Tokwa (Tagalog)

3127
Ampalaya with Tofu
Photo Credits: m.facebook.com/popot2503

MGA SANGKAP

  • 1 pc. Large Ampalaya (alisin ang buto at hiwain at ayon sa nais na kapal)
  • 250 grams Tokwa (cut into cubes)
  • 3 Eggs beaten
  • 1/4 cup Mama Sita’s Oyster Sauce
  • 5 cloves Minced garlic
  • 1 large White Onion sliced
  • 2 pcs tomatoes, sliced
  • salt and pepper to taste
  • Patis (pampasarap)
  • cooking for frying

Tips: ibabad sa tubig na may asin ang ampalaya para mabawasan ang pait. Hugasan. Pigain at idrain bago isahog sa niluluto.

PARAAN NG PAGLUTO

  1. Sa isang non-stick na kawali, i-prito ang tokwa hanggang sa maging golden brown. Hanguin sa isang lalagyan.
  2. Lagyan muli ng mga 2 kutsarang mantika ang kawali.
  3. Igisa ang bawang at sibuyas at kamatis.
  4. Ilagay ang ampalaya. Timplahan ng konting asin at paminta. lagyan ng mga 1/2 tasang tubig. Takpan at hayaang maluto ang ampalaya. Huwag i-overcooked.
  5. Kung malapit ng maluto ang amplaya, ilagay ang oyster sauce, nilutong tokwa. Haluin hanggang sa ma-coat ng sauce ang lahat ng sangkap. Ibuhos ang binating itlog. Hayaan ng ilang segundo at saka haluin maigi para maging strips ang nalutong itlog.
  6. Timplahan ng patis. Tikman at i-adjust ang lasa.

Ready to serve na. Enjoy!

Credits to: mgalutonidennis.blogspot.com; ctto