Seafood Lomi (Tagalog)

2470
Seafood Lomi
Photo Credits: instagram.com/jamiicutie

MGA SANGKAP

  • 250 grams fresh lomi noodles or thick Hokien noodles
  • 1 cup fresh mixed seafoods
  • 12 pcs. fish balls
  • 1 cup fish cake, hiniwa ng maliliit
  • 1 carrot, cut into strips
  • 1/2 ulo ng bawang, tinadtad
  • 1 small sibuyas, tinadtad
  • 3-4 wansoy,tinadtad
  • 2 cups repolyo,hiniwa ng manipis
  • 1 tsp hoisin sauce
  • 1/4 cup cornstarch
  • 3 medium size egg, binate
  • 2 tbsp. patis
  • salt and pepper
  • cooking oil

PARAAN NG PAGLULUTO

  1. Pakuluan ang lomi noodles sa mainit na tubig sa loob ng 3-5minuto pagkatapos ay itabi muna ito.
  2. Igisa ang bawang, sibuyas, isunod ang mixed seafood at lagyan ng patis. Hayaan itong maluto sa loob ng 2-3minuto. Itabi muna.
  3. Sa isang kaldero/kawali, maglagay ng 6-8 tasa ng tubig. Hayaan itong kumulo. Ilagay ang lomi noodles, fishballs, fish cakes at pakuluan sa loob ng 10-15minuto o hangang sa lumutang ang mga fish balls at kapag tama na ang lambot ng noodles.
  4. Lagyan ito ng hoisin sauce, ginisang seafood, gulay, parsley, lutuin sa loob ng 2-3minuto.
  5. Lagyan ng asin at paminta pampalasa, isunod din ang cornstarch na tinunaw sa kalahating tasa ng tubig at ilagay ang binating itlog. Lagyan ng wansoy. Haluin nang tuloy-tuloy at hayaang kumulo.

Credits to: m.facebook.com/umagangkayganda2