MGA SANGKAP
- 1 lata ng condensed milk
- 4 Egg yolks
- 1/8 tasa ng shredded Carrots
- 1 kutsara ng vanilla extract
- 1 kutsara ng butter
- 1/2 tasa ng puting asukal
PARAAN NG PAGLUTO
- Paghaluin lahat ng sangkap ng yema balls sa isang saucepan at patuloy na haluin sa mababang init.
- Ituloy lang ang paghalo upang hindi dumikit, hanggang sa lumapot ang texture nito
- Tanggalin sa apoy ang mixture at ilipat ng lalagyan at hayaang lumamig.
- Kapag malamig na ang mixture, kumuha ng maliit na piraso at hulmain ng pabilog.
- Ilagay ang yema balls sa isang plato na may asukal, i-roll ito at tanggalin ang anumang sobrang asukal.
- Maaari na itong i-serve o ilagay sa isang plastic jar o ilagay sa cellophane. Enjoy.
Credits to: pinoyrecipe.net