Siomai Gulay Recipe (Tagalog)

34931
Photo Credits: instagram.com/lyrehsukima

MGA SANGKAP

  • 1 block ng Tokwa
  • 1 cup Malunggay leaves
  • 1 Carrots, ginadgad
  • 1 Singkamas, ginadgad
  • 1 Itlog
  • Asin
  • Paminta
  • Siomai wrapper

INSTRUCTIONS

  1. Uunahin ang tokwa. Dudurugin ito hanggang sa maging pinung-pino. Alam nyo ba na ang tokwa ay mayaman sa protina…
  2. Isunod na ilagay ang malunggay. Alam nyo ba na ang malunggay ay sagana sa bitamina at fiber?
  3. Isusunod natin ay ang ginadgad na carrot at haluin itong mabuti. Ang carrot ay mayaman sa beta-carotene. Ito ay nagpapalinaw ng ating mga mata
  4. Isusunod ilagay ay ang singkamas na ginadgad. Ang singkamas ay mayaman sa bitamina A.
  5. Isusunod natin ang itlog. Ginamit natin ang itlog upang magsilbing binder sa mga gulay para hindi sya maghiwa-hiwalay pag binalot na sa siomai wrapper. Lagyan ng asin at paminta, haluin sya ng mabuti. Kapag ang mga gulay ay nagsama-sama na, pwede na natin syang ibalot sa siomai wrapper.
  6. Matapos natin itong balutin, ilalagay na natin ang mga ito sa steamer at sa loob ng 5 minuto. Matapos ang limang minuto, titignan natin kung pwede nang hanguin.
  7. Ito ay napakadaling ihanda. Ilagay lang sa ref at magandang pambaon din ito ng mga bata sa eskwela.
  8. Subukan na ang masarap at masustansiyang Oh My! Siomai Gulay!

Credits to: m.facebook.com/ABSCBNsalamatdok