Ang Chowking katulad ng ibang Restaurant ay mga sariling SECRET recipe. Para po sa atin we can only re-create na malapit po ang lasa. Eto po ang pinag halo kong recipe para masaya
MGA SANGKAP
- 4 cup Cooked rice
- 1 tbsp chopped garlic
- 1 small shallot o sibuyas Tagalog, minced 2 Eggs
- 1 cup diced or cubed pork
- 1 cup string beans
- 1/4 c Diced green onion
- 2 tb Soy sauce
- 1/2 ts Sugar.
- 1 tbsp chopped garlic (another for rice)
- 1 medium sized bell pepper, chopped finely
- 1/4 cup carrots chopped finely
- salt and pepper to taste
- 1 tsp chili powder (optional)
- 1 tsp curry powder
- 3 tbsp oil
- chicken balls slice (optional)
- sesame oil kung meron
Note: Pwede pa kayong magdagdag ng kung anong gulay ang gusto ninyo kahit mustasa pwede
PARAANG NG PAGLUTO
- Sa isang malaki laking kawali magpa init ng mantika at igisa ang sibuyas pagkatapos ihalo ang bawang, carrots, bell pepper at string beans, Gisa gisa ninyo lang. Hanguin sa kawali at Itabi.
- Sa parehong kawali, magpa init mull ng mantika, ibuhos ang binating itlog hanggang maging scrambled egg ito at halu haluin upang mag hiwa-hiwalay at hindi buong buo. Hanguin at itabi.
- Sa parehong kawali, magpa init mull ng mantika, ihalo ang cubed pork igisa ng mga 1 to 1 1/2 minutes hanggang mag brown (MEDIUM-HIGH heat). Hanguin at itabi.
- Sa parehong kawali, mag lagay muli ng mantika igisa ang bawang, kapag mabango na ihalo ang kanin, sa isang mangkok paghaluin ang toyo at asukal, ibuhos sa ginigisang kanin at haluin ng mabuti. Ihalo na ang ginisang pork, lutuin pa ng bahagya, Budburan ng asin, paminta, chili powder (optional) at curry powder ng naaayon sa inyong panlasa. Isunod ang itlog at ihuli ang mga gulay. Mag drizzle ng sesame oil kung meron. Halu haluin. Tapos na po.
- Serve ninyo sa isang malaking platter o serving plate at budburan chopped green onion o dahon ng sibuyas.
Credits to: m.facebook.com/lutuingtsamba; m.facebook.com/even.hindap.7