Masarap po talaga ang ginisang upo sa kung anumang isahog na karne. Ngunit ang hipon ay malakas mag-amplify ng lasa at kung isasahog ang alamang (tiny shrimps) d2.. sabaw pa lang ay ulam na..
MGA SANGKAP
- 1/4 kilo alamang
- 1 upo (hiniwa)
- 3 butil bawang (pinitpit at tinadtad)
- 1 sibuyas (hiniwang maninipis)
- 1 knorr chicken cube
- 1 1/2 kutsara ng bagoong
- 2 kamatis (hiniwang manipis at pahaba)
- Paminta
- Patis
- 1 tasang tubig
- Mantika
PARAAN NG PAGLUTO
- Igisa ang bagoong sa bawang at sibuyas.
- Idagdag ang alamang at gisa-gisahin hanggang maluto.
- Idagdag ang tubig, chicken knorr cubes (optional), paminta at kamatis. Takpan at kapag kumulo na ay hinaan ang apoy at hayaan ng 5 minuto.
- I-adjust ang lasa sa pamamagitan ng patis kung kailangan. Tandaan po lamang na ang bagoong at knorr chicken cube ay maalat na.
- Huli po nating idagdag ang upo. Madali lang po itong maluto (mga 3-5 minuto) at kapag luto na ay patayin ang apoy at isilbi sa maraming kanin na may patis..
bon apettite!!
Credits to: magluto.com