EGG CHE FLAN RECIPE (Tagalog)

5422
Photo Credits: instagram.com/jayluv1007; instagram.com/leiborlongan

MGA SANGKAP

  • 1 lata ng gatas na evaporada
  • 1 lata ng gatas na condensada
  • 10 itlog
  • 1 kutsarang asukal na pula
  • 5 ml ng ginadgad na balat ng lime o kalamansi

PARAAN NG PAGLUTO

  1. Gumawa ng maliit na butas sa tuktok ng itlog, gamit ang syringe. Dahan-dahan tanggalin ang laman at isalin sa isang bowl. (ingatan na huwag mabasag)
  2. Linisin, hugasan at pakuluan ng bahagya ang mga eggshells bago ito gamitin.

Para sa Flan:

  1. Paghalu-haluin ang mga sangkap at siguraduhin nahalo itong mabuti hanggang sa bumula. Salain maigi para maging pino at makinis ang flan.
  2. Simulang ilagay ang mixture sa loob ng itlog gamit ang embudo hanggang sa mapuno. Marahan itong gawin para hindi sumabog ang eggshell
  3. I-steam ito ng kalahating oras. (Tips: pwede rin gumamit ng softdrink crowns para gawin stand ng bawat itlog)
  4. Ilagay sa refrigerator at palamigin. Maari din Kulayan ang bawat itlog at lagyan ng ibat ibang kulay. Gumamit ng sticker to seal the hole or colorful plastics and tie it with a ribbon if you want to sell it.

Credits to: m.facebook.com/MamasGuidePh