INGREDIENTS
- 1 kilo pork liempo,
- 1/2 kilo pork liver
- 295 ml pork blood (or beef blood)
- 4 cloves garlic, minced
- 1 medium size onion, minced
- 4 pcs. siling haba
- 5-10 siling labuyo, chopped
- 1 cup vinegar
- 3 knorr beef cubes
- 1/2 can gate or coconut milk
- 2 cups water
- 1 tbsp. patis
- salt and pepper
INSTRUCTIONS
- Ilagay ang pork liempo at pork liver sa isang kaldero lagyan ng tubig hanggang sa sumailalim sa tubig ang mga karne. Lagyan ng 1 tbsp. asin at 1 beef knorr cube. Pakuluin sa loob ng 45 minutes or hanggang lumambot ang karne.
- Kapag malambot na ang karne, hanguin at bahagyang palamigin para mahiwa ng maliliit na cubes. Set aside.
- Mag gisa sa isang kawali ng sibuyas, bawang, ihalo ang karne at haluin ng mga 3 minutes. Idagdag ang suka, tubig, 2 knorr beef cubes, siling haba at pakuluin ng 5 minuto.
- Dahan dahang ibuhos ang dugo ng baboy/baka, at haluin maigi sa loob ng 2 minuto. Bahagyang hinaan ang apoy at pakuluin 10 minuto.
- Ihalo ang gata o coconut milk at siling labuyo (optional po ito kung ayaw po ninyo ng maanghang). Simmer for 5 minutes. Add 1/2 packet ng magic sarap (sa karagdagang timpla), adjust ninyo po ang timpla lagyan ng patis, 1 kutsarita o lagyan ng konting asin at paminta hanggang sa naaayon sa inyong panlasa.
- Pakuluin sa mahinang apoy ng 5 minuto hangang sa maluto. Serve and enjoy!
Credits to: facebook.com/photo.php?fbid=652957314778038&set=a.491328467607591.1073741851.472216086185496&type=3&theater