Pesang Bangus na may Kamote

3184
Photo Credits: instagram.com/herbsguapo

INGREDIENTS

  • 1 Bangus
  • 1 Sibuyas
  • 3 pirasong Bawang
  • 2 pirasong Kamote
  • 2 pirasong Dahon ng Sibuyas
  • 1 bungkos ng Pechay
  • ¼ na baso ng Luya
  • 1 kutsarang Patis
  • ½ kutsarang Pamintang buo
  • 1 kutsarang Asin
  • Betsin (optional)
  • 2-3 baso ng Tubig
  • Mantika

INSTRUCTIONS

  1. Hiwain ang Bangus at hugasan ng mabuti.
  2. Balatan at hiwain ng maliliit ang sibuyas, bawang, luya, at dahon ng sibuyas.
  3. Balatan at hatiin sa dalawa ang kamote.
  4. Hugasan at linisin ng mabuti ang pechay at tanggalin ang dulo.

Ang pagluluto ng pesang bangus:

  1. Sa isang kaldero, painitin ang 2 kutsarang mantika.
  2. Gisahin ang bawang, sibuyas, at luya.
  3. Ilagay ang paminta at patis tapos haluin.
  4. Ilagay ang tubig at kamote tapos pakuluin ang sabaw.
  5. Kapag kumukulo na, ilagay ang bangus at hinaan ang apoy. Hayaang kumulo ng 10 minuto.
  6. Timplahan ng asin at kaunting betsin(optional).
  7. Ilagay ang pechay at dahon ng sibuyas hayaan pang kumulo ng 3 minuto.
    Luto na ang Pesang Bangus!
  8. Pwede rin kayong gumamit ng iba’t ibang klase ng isda bukod sa bangus. At pwede rin ang mga tira-tirang piritong bangus, tilapia, at iba pa. Yung iba pinipirito muna ang isda bago lagyan ng sabaw.

Credits to: pulutanrecipes.com/recipes/pesang-bangus-na-may-kamote